Friday, April 06, 2007

Sand Art

Nag-company outing kami sa Punta Fuego last week. Ok naman. Merong beach. Merong "infinity" pool. Merong toma. Disappointed ako sa Inifinity Pool. Akala ko pa naman, pool yun na parang yung sa Rogin-E. Pwede kang lumangoy ng tuluy-tuloy, yun pala, pool sya na ang view pag hindi ka nakalusong eh parang tutuloy sa dagat. Eniwei, sa beach eh nakapagtataka, pero imbes na mag-group dance number kami gaya ng sa mga Pinoy movies, eh gumawa kami ng sand sculptures...

Third place ito, "Dragon" daw.

Photobucket - Video and Image Hosting

Eto naman kami, second place. "Rawk on." Mapapansin nyo naman na ang cool ng mga poses namin. Para kaming mga nakapulot ng ticket sa Sabado night ng UP fair.

Photobucket - Video and Image Hosting

At ang nanalo ay, "Surfer." Bitter kami. Sex sells talaga...

Photobucket - Video and Image Hosting

0 Comments:

Post a Comment

<< Home